Ayun, matagal-tagal na rin akong hindi nakapagpost dito. At kung makikita niyo sa ilalim, binebenta ko pa yung t68i ko. Oo, nabenta ko naman kasama ng camera. Nakakuha ako ng Smart Amazing Phone 2. Natuwa naman ako kasi kumpleto siya, at nalalagyan ko pa ng kung anu-anong laman tulad ng mp3, avi, mpeg at mga pinaratang software. Pero minsan, talagang sineswerte ka naman talaga. Isang araw matapos ng aking kaarawan, naholdup ako kasama ni Mando sa likod ng Ali Mall. Nawala ang SAP2. Kaya ngayon, balik t68i ako, at marahil, matagal-tagal pa bago ko uli ito ibenta upang makabili ng bago.
No comments:
Post a Comment