balikbayan baks

December 28, 2004

Mambo

Dati ko pa narinig kay Topher yung Mambo, pero ngayon ko lang na-discover na maaari na pa lang i-install ang Mambo sa server ng Matanglawin. astig. Medyo nakukuha ko na yung user interface, ang malaking problema na lang talaga kung paano babaguhin ang template (graphics, colors, font size rin kasi medyo naliliitan ako pero ayos lang, sleek kasi). Sana lahat ng nasa web team tumulong na; malaking proyekto rin kasi kung mag-migrate ang Matanglawin mula html patungo php pero di hamak na mas gaganda ang website dahil dito. Ang iniisip ko na lang, sana web based ang pag-judge sa ERJ dahil side server based ang site kaya hindi mo mailalagay sa CD.

No comments: