
Ilang beses na iniwan ni Shaq ang kanyang mga side-kick. Una si penny, tapos si kobe. Kaya raw ginawa ni Shaq ang pag-iwan kina penny at kobe, dahil alam niyang may potential yung dalawa, at hindi naman siya makapapayag na maging 2nd option. Pag-alis ni Shaq sa Orlando, biglang bulusok ang career ni Penny. Pero hindi ko masasabing hindi accepted ni Penny ang kanyang #2 role kay Shaq dahil sa ang naging role talaga ni Penny sa Orlando ay point guard , hindi tulad ni Kobe na ang priority ay makapantay si Shaq sa puntos. Ngayon, hindi na raw magkakamali si Shaq kay Dwayne Wade, at lahat gagawin niya para tumagal ang kanilang pagiging sidekick sa isa't isa. Oo, si Dwayne Wade ang idol ko ngayon, hindi dahil naging point guard rin siya ni Shaq tulad ni Penny, kundi dahil magaling talaga siya. Sa NBA Live nga, si Wade ang gumagawa lagi kapag nilalaro ko ang Miami Heat.
***
Naka-link ang picture na 'to sa friendster. for some reason, hindi na ako makapag-upload using hello.
No comments:
Post a Comment