
Wow, ganda ng logo. Sarap rin magtrabaho dito, kasi R&D (nagiimbento ng kung anu-anong gadget, tama ba pagkakaintindi ko?), mga 18K ang starting. Nakapasa ako sa exam nung nag-apply ako ng OJT. Pero nung nag-exam ako, napa-isip ako na sana hindi muna ako nag-exam (tulad ng ginawa ni Rod na naghihintay ng leakage). Nalimutan ko ang ilang mga konsepto tulad ng state diagrams at flip-flops, na kadalasan tig 10 numero sa exam. Ayun. Isang kompanya na ang nabawas sa listahan. Kasi hindi ako tinext ng HR na nangangahulugang hindi ako pumasa. Sana mayroon na kong ipasa next time.
Kahit na gusto kong mag thesis mode, hindi ko magawa dahil wala naman akong oscilloscope dito. Pwede ko sanang iuwi yung proyekto namin sa DSP kaso tinago na ni Luisito (at hindi na kasya sa bagahe ko ang power supply).
No comments:
Post a Comment