March 7, 2006
walang magawa
wala lang. bakit andito pa ko? hehehe kasi kesa magNBAlive sa bahay ng walang kalaro, dito na lang ako, nakakadownload pa ng mp3s at nakakahanap pa ng mga 2nd hand deals. speaking of the devil, leche talaga. may nanloloko pa na nagbebenta ng deluxe edition ng tv tuner, pero yun pala sobrang luma ng model niya, as in 1999 pa. walang panahon. bahala siya. sana nga lang, magreply na yung ibang nag-o-offer kasi kailangan ko talaga ng tv tuner para hindi na ako makapag-agawan sa bahay. at marerecord ko pa if ever yung NBA playoffs. hahaha well, kahit yung highlights lang. sana pumayag na rin yung kadeal ko sa shopping cart project. according to mando, mga 40k daw dapat singilin ko dun dahil ecommerce site iyon, at hindi yung simpleng company profile site. pero at a rate of 800 per page (tapos to think na dynamic yun at maraming nagegenerate na page), medyo malaki na makukuha ko dun. ayun, may pambayad na sa review center. hehehe sa tuesday exam ko sa canon, software engineering position. at oo, bagsak ako sa hardware. to quote nikka of canon, "you failed the exam." hehehe at least nalinaw ko sa kanila, baka kasi nagtest ako, tapos pumasa, tapos kapag nakita nila, disqualified yung exam. si rod na-email na yung resume namin sa globe, sana makuha kaming it cadet. mga 25k daw kasi entry level kapag dun. hehehe pero hp talaga, sana tumawag ka na! hehehe pero oks lang, I need a lot more practice. so kanina, naayos ko na yung issue (well, yung mga adjustments sa mga kulang, at marami sila). sana lang tumupad sa deadline yung mga nangakong magpapasa within thursday. sana rin mareserba yung pubroom sa biyernes para sa overnight dahil sabado ang pasa sa press = the pael guarantee. hehehe ang kulit ng lola ko kanina, hehehe nakakmiss rin yun! kasi yung motherside ko talaga yung makulit na side, yung dad side, medyo seryosong type. hehehe pero wala ka, makulit nga sa motherside, dami namang isyu. hehehe sabi ng lola ko, punta raw ako kahit 1 week sa butuan. siguro nga, kasi may pinapagawa rin silang website at online enrollment system sa akin ang bcc. pro bono. oks lang yun, wala pa kong nacocontribute sa school eh. kuya ko nga pumunta dati dun para tulungan sila sa mga banking problems ng bcc. hehehe na-excite nga rin si kuya nung sinabi ko gagawin ng kwarto namin yung kabilang kwarto (na sa kasalukuyan ay stock room). hehehe so sa thursday na ang "defense" namin. nakaka-amoy na ko ng pangangarne ni monje. need to study the circuit again. actually, ang dapat na ginagawa ko ngayon ay improved version ng powerpoint. sige, mamaya na yun. hehehe i traded dwyane wade away, along with dwight howard and tony parker. wala eh, nasa 2nd to the bottom ako, wala na akong pag-asa na humabol sa fantasy nba. hanap na ko trabaho ulit.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment