balikbayan baks

May 16, 2006

ICANN

nabasa ko sa Time ba or Newsweek yung isang article tungkol sa mga bagong versions ng WWW na lumalabas sa iba't ibang bansa. May mga ilang bansa na nagproportesta sa ICANN dahil hindi pinapakinggan ang kanilang hinaing ng mga native language domain names (.com, .net, etc.). Western hegemony daw ang nagaganap. Kaya naman yung ibang mga bansa, gumagawa ng sarili nilang "Internet 2.0" na kapag pumunta kang nba.com kunyari, baka iba ang makita mo dahil ibang Internet nga iyon.

Ayun, napaisip lang ako na bakit sa Internet lang nila napansin ang "western hegemony" na nagaganap dahil sa ICANN. Bakit yung WTO, IMF hindi nila magawang tutulan? Napaisip rin ako sa posibilidad na kung maraming tututol sa mga patakaran ng mga nasabing institutions, maaaring gumawa ang bawat bansa ng kanilang "version 2.0" ng WTO, IMF, etc. na tunay na makatutulong sa kanilang ekonomiya.

No comments: