balikbayan baks

May 31, 2004

Para sa mga naka Windows XP

Naisipan ko lang na ilagay ang tip na 'to kasi maraming nagtatanong sa akin. Kung nabiktima kayo ng Blaster Worm virus, higit sa malamang, nagrerestart ang computer niyo na may countdown timer pa tuwing kayo'y naka-Internet. Para maiwasan ang pagrereboot (note: hindi para matanggal ang virus) punta kayo sa CONTROL PANEL, ADMINISTRATIVE TOOLS, SERVICES, hanapin ang REMOTE PROCEDURE CALL (RPC) at i-right click, tapos properties. Pumunta sa RECOVERY tab at gawing TAKE NO ACTION ang lahat ng recovery options. Para matanggal ang virus at ang epekto nito, i-download ang patch sa Micorosoft.com

No comments: