balikbayan baks

December 26, 2004

Bulong

Sa bawat letrang
ginuguhit ng lapis,
nalililok ang pinagsawaang
alaala

Nanghihimok ang iniwasang
sandali na dati'y
pumupuyat sa matang
nais pumikit.

Tulad ng mga
alaala, umaalingawngaw
ang bulong sa kahabaan
ng panahon.

Sumusulat pa rin
ang namawis na kamay
sa gitna ng lamig. Lumabo
ang mga titik

Tulad ng mga
alaala

No comments: