5 taon na ang nakakaraan mula nung natakot ang buong mundo sa y2k bug. naalala ko pa na inabangan ko kung ano ang mangyayari sa bulok kong pentium PC noon. pumatak ang alas-dose, wala namang nangyari. kaya nagpatuloy na lang ako sa pakikipagchat ko sa mga tao sa #pinoylife (ang IRC channel namin ng mga taga-notre).
***
dalawang magkasunod na taon na naming hindi nakakasama si ate kapag bagong taon dahil sa mga kompanyang nasa US. nakikibagay kasi ang accenture sa iskedyul ng opisina doon kaya madaling araw ang pasok ni ate. sana sa susunod na taon, kumpleto na kami.
***
natapos ko na rin yung  TDR lab report, kahit na hindi ako sigurado sa mga sinulat ko doon. bahala na partner ko mag-check. hehehe kailangan ko na lang mag-aral sa mga long test. wala pa ring nag-confirm para sa training seminar ng website (speakers & web members). baka ako lang ang sumipot doon. sana hindi naman. marami pa akong pangarap para sa www.matanglawin.org
***
walang palya talaga kapag nag-do-download ng mp3 sa mIRC. sigurado ka na sa quality at sa speed at sa resumption ng broken download, madodownload mo pa yung buong album ng artist na gusto mo. astig. hindi ka na talaga bibili ng pagkamahal-mahal na CD.
No comments:
Post a Comment