Cisco Network Academy
isang sem lang, at kailangan mo pang mag-enroll pagka-graduate para makumpleto ang kurso at makapag-exam para maging licensed Cisco operator.
VLSI
hindi ako sigurado kung may alam ako dito. ano gagawin? pag-aaralan kung paano gumawa ng IC (kung ilang % ng silicon, etc. at kung ano yung dimensions). mukhang mahirap talaga.
VHDL
pang computer engineering talaga ang course na ito pero kaya nga elective eh. parang C++ daw. parang Z8 encore rin kasi may hardware kang kinocontrol -- yung FPGA.
Introduction to Medical Instrumentation
ECG, etc. parang gusto ko ito kasi mukha siyang madali (dahil sa prof) kaso baka wala siyang silbi in the future unless ito talaga yung field na gusto ko.
may ilang araw pa ako para makapili ng matino.