balikbayan baks

April 27, 2006

kwentong board exam

nakausap ko si Jeb (DLSU, BS ECE) noong Lunes sa surprise party ni Oliver na hindi naman mukhang na-surprise hehehe ayun, 2nd take na ni Jeb noong April. At nakapasa siya. hehehe ayun, excel rin ang review center niya at sabi niya, hindi tulad last year kung saan maraming lumabas na questions, ngayon daw, wala raw talaga. pagkatapos daw nilang mag-exam, maraming taga ibang review centers ang nagkakamustahan ng "pare nakuha mo yung number... astig!!" ibig sabihin, may leakage yung kabilang review center na hindi rin alam ni Jeb kung ano.

"pare, tsambahan lang talaga yung board exam." dahil daw last year, yung gumawa ng COMMS exam, lima lang daw ang problem solving kaya napadali buhay nila. This year daw, iba na gumawa ng exam, at mula lima naging 35 na yung problem solving sa COMMS.

Sinabi ko nga kay Jeb na 50% off ako sa Excel kasi early registration ako, pero sabi niya siya rin daw 50% off, kasi take two na raw kasi! Kapag take two 50% off! hahaha Mahirap daw kung nagtatrabaho pero kaya naman...sabi niya kalokohan din daw yung 6 months kang review, dapat daw 1 month lang before ng exam. Well, I really don't agree with that.

Ayun, kailangan na magsagot. hahaha pero nakakatamad talaga sobra. I got a taste of a board exam like test kahapon sa innovatronix sa antipolo. Leche, nalimutan ko basics ko, oo pati ang KCL nalimutan ko rin.

Bukas overnight kina Yeg para hindi ako maiwan sa Sabado hehehe pero kapag matutulog na ako pupunta sa P4 siguro para naman makabonding ko ulit roomies ko hehehe

2 comments:

stargazer said...

so gagawin mong tulugan ang bahay ni yeg? salbahe. hahaha!

yihee roomies!!!! miss mo na si rod no? yessss

balikbayanbok said...

hahaha hindi lang, pati yung patayan namin ni marvin sa NBA Live hahaha