ayun, matapos ng ng nakaantok na lecture tungkol sa iba't ibang diodes (kung kaya't 9/20 lang ang score ko sa quiz), pumunta akong Gateway dahil manonood kami ni ate. hehehe. nagfigaro muna kami para hindi naman kami masyadong maaga sa sinehan.
ayos naman. hindi ko naman kasi maikukumpara dahil hindi ko naman nabasa yung libro. mahusay yung acting at story telling, kasi kapag hindi mo talaga binasa, kakabahan ka talaga. hehehe.
at pagkatapos kong mapanood, talagang nakakapagtaka kung bakit hindi pinayagan ng munisipalidad ng maynila ang pagpapalabas ng nasabing pelikula. kapag pinanood mo naman, obvious na fiction.
tungkol naman sa epekto nito sa iyong pananalig...
yung part na patapos na at sinabi ni tom kay audrey na it's up to her if she would let the faith live on...
kahit nga na ipinapatungkol nito na si audrey nga ang anak ni Hesus at siya dapat ang magpatuloy ng gawain ni Hesus, nakita ko ito bilang isang hamon para sa lahat na panatilihing buhay ang pananampalataya at maging tulad ni Hesus para sa iba. masyado bang malayo? wala lang, yun kasi yung una kong naisip sa eksenang iyon...
o baka naman apektado ako ng teorya na "the human being (o eye? 'di ko tanda) will only see what it wants to see."
2 comments:
pare, hindi kaya siya anak ni Hesus. ang sabi, kamag-anak! duh. hallerness!
and yeah, i guess yun naman talaga ang whole point nung story. kumbaga in the so-called age of postmodernism where there is not but one truth, ang kakaitan mo nalang talaga is faith. it's all up to you - what you want to see, what you want to believe...
so gusto mona mabasa yung libro? ic an lend you my copy anytime =D
hehehe pareho lang yun :) basta blood line hehehe eh sa nalimutan kong blood line eh hahaha
lovesy, may hard bound kami dito hehehe bigay ni Rama kay Kuya, pinadala pa from Canada. hehehe
Post a Comment