balikbayan baks

June 13, 2006

i'm back

Malaya na rin ako sa wakas

malaya mula sa dextrose at nakakabatong Makati Medical Center. hehehe mula Miyerkules hanggang ngayon ako nakaranas ng ilang araw ng "online fasting" at walang kwentang laro ng Miami Heat. Masaya naman dahil dumalaw sina:

Ryan, Anne & Chi, Roy & Pam, Papu & Yeg, Cla & Noel, Bel, Tita Susan, Kim & Jec (aka Jolina & Marvin), Ate Rina & Jason, Roy & Pam, Anne, Kuya Babs, Ate Malou & Kuya Tonton. At siyempre, kausap sa cellphone sina Tita Fely, Tita Winnie, Ate Babs.

Naka-ilang missions din ako sa Worms World Party (2D version is still the best) at pinanalo ang Miami Heat versus Dallas Mavericks sa NBA Live 06. Nagawan ko na rin ng Proposals with History module yung Manila Observatory Online Database System na ginagawa ko.

Hindi pa rin ako ginagawan ng Medical Certificate na Fit to Work ako galing kay Doc Gisbert, pero buti na lang si Doc Adapon nagawan na ako.

Hindi ko alam kung paano ko makukuha kay Bel yung mga homework ko for review, o kaya kung nakuha nga niya yung mga modules ko. Baka kasi strikto ang mga taga-Excel na nagpapa-espesyal sila na kailangan personal mo kunin ang module kahit na fully paid na ako.

Mamaya ipopost ko yung artikulo ni Conrado de Quiros na para sa akin sumusuporta sa ideya naming mga Mata-Thunders na sana, magkatotoo kahit na alam kong matrabaho talaga. Kailangan lang talaga ng mas maraming susuporta sa proyekto at mas mainam na pagpaplano.

At oo nga pala, mamatay na ang lahat ng rapist at nangmomolestya sa buong mundo.

No comments: