1. Ano ang sinasabi mo noong bata ka pa na gusto mong maging paglaki mo?
>gusto kong maging pulis
2. Ano ang isang bagay na na-enjoy mong gawin noon?
>maglaro ng (gi joe, matchbox, mga laruan ni ojay), gumawa ng city para sa mga micromachines ni ojay, magpalipad ng saranggola, magkipaghabulan at langit-lupa sa 15 kong pinsan
3. Bakit?
>eh ano pang gagawin mo kung bata ka? hehehe
4. Pumapasok ka ba ng ganitong age?
>oo, sinabi ko nga na gusto kong maging pulis nung graduation ko nung nursery hehehe
5. Sinong 'buddy' mo noon?
>si ojay at si ryan
6. Anong pangyayayari ang hindi mo makalimutan?
>hmmm yung luluwas kami sa maynila para lang kumain ng eat-all-you-can sa pizza hut, yung uhhh wag na, nakakahiya hahaha
7. Kilala mo pa mga teachers mo?
oo, si Ms. Espina na ayaw akong pauwiin kasi magulo yung cabinet ko, tapos nung dumating si Mommy, tumakbo ako papunta sa kanya umiiyak! tapos tinanong ng mom ko ano nangyari, tapos nagsinungaling teacher ko! hmf! at akalain mo, nag-madre siya after that year (kinder). hehehe si Mrs. Evangelista, kasi siya yung adviser ko nung grade 3 at siya yung nagbalita sa amin ni Efren kung sino sa amin ang top1. hahaha. tapos si Mrs. Ugay, ang eternal nanay namin nung highschool (wait, teka, pang grade school lang ba 'tong survey na ito?)
8. Iyakin ka ba noon?
*hindi ah!!! nung kinder lang! eh hello?!?! first day hindi ka papauwiin ng teacher mo! sino ba hindi iiyak nun!!!
grade school >> ahhh pang kinder pala yung nasa taas, now I know. hahaha wala kasing header yung 1-8.
10. Sinong principal nyo noon?
* si Ms. uhhh di ko maalala.
11. Anong paborito mong laro?
* moro-moro
12. May club ka bang sinalihan?
* uhhh i was into politics. hahaha! tumakbo ako for auditor for 3 years ata, never won. maybe because i don't know what are the responsibilities of an auditor! hehehe
13. Maingay ka ba sa klase?
* minsan. hehehe. pero minsan ako talaga lista ng noisy.
14. May kinakatakutan ka bang teacher noon?
* si ms. dizon.
15. Bakit?
* masungit eh.
16. Pano ka pumupunta sa school?
* service na jeep
17. Marunong ka na bang mag-commute ng panahong ito?
* oo
18. Paano ka mag-aral?
* nagbabasa ng notes
19. Mahilig ka bang kumain ng tusok-tusok?
* yes
20. Responsable ka bang estudyante?
* oo. honor student ako eh. hahahaha! >> ako rin! hahaha
highschool
21. Saan ka nag-high school?
* notre
22. anu mga section mo?
* daniel, rizal, augustine, eugene
23. May-CAT ba kayo noon?
* meron, pero light duty ako. at dahil light duty ako, ginawa na lang akong filipino sports editor ng school paper hehehe
24. Naging officer ka ba?
* hindi
25. Kumakain ka ba habang nasa klase?
* kapag may dala si mafie, ryan or ojie ng mga chichiria na nakatago sa kanilang sports bag hehehe. duon kami sa likod kumakain.
26. Tamad ka bang pumasok?
* hindi. enjoy kaya pumasok! daming ginagawa hehehe
27. Sinong principal nyo noon?
* ms. sales
28. Kilala ka ba nya? Ano tawag nya sa'yo?
* hindi ata
29. Paano?
*paano ang?
30. May award ka bang natanggap nung highschool ka?
* mga 2nd honor certificates (parang DL), at yung medal namin ni Ojie sa programming competition hehehe
college
31. School mo?
* ateneo de manila
34. Meron ka bang org na sinalihan?
* meron
35. Ano?
* matanglawin, aeces, cads (rejected), kythe (1 meeting lang)
36. Naniniwala ka ba na pag college ka na,matatagpuan mo ang true love mo at hindi sa highschool?
* h talaga? this is the first time i heard about this -- ako rin, ngayon ko lang nalaman ito
37. Embarassing moment?
* hmmmm kapag humihilik ako ng malakas sa pubroom kung saan pupunta pa si raph (taga-heights) para tanungin kung sino yung humihilik na malakas hehehe
38. Unforgettable moment?
* starbucks nung 2003. hehehe
39. Pano gumalaw ang mga tao sa eskwelahan mo?
* kung paano gumalaw ang mga tao
40. Sosyal ka ba?
* hindi
5 comments:
para kang sira. yung first part kaya pang-kinder lang! kokopya ka na nga lang kasi, kulang-kulang pa!
magulo ang cabinet? diba locker ang tawag dun? hahhah. :)
hmf!!! eh wala pa namang term na "locker" nung kinder eh!!!!
moro-moro ang paborito mong laro nung grade school? panahon pa ng kastila yan, di ba? ganun ka na ba katanda? hehe.
lolo na ito - pretty anne
Post a Comment