balikbayan baks

December 26, 2006

law of conservation of mass and energy

Malamang narinig niyo na ito noong hayskul, at para sa ilan, pati kolehiyo. Ayon sa mga batas na ito, may natatanging bilang ng mass at energy na hindi nagbabago. Kumbaga sa accounting, magbago-bago man ang mga nasa pagitan na rows ng libro, ang pareho pa rin yung "total".

Ngunit maihahambing lang ba natin ito sa larangan ng agham? Malamang, matter naman tayo at may enerhiya tayong nakukuha at ginagamit kaya kabilang tayo rito. Subalit kung papansinin, maihahambing rin ang mga batas na ito sa iyong mga nakakasalamuha sa mundo.

Halimbawa, maaring ang bawat isang tao ay may bilang ng kaibigan na makakasalamuha sa bawat isang yugto ng buhay nila. Hindi naman sila nawawala, kundi nagbabago lang ang representasyon sa buhay mo. Kumbaga, yung mga kaibigan mo, tubig na nasa paligid mo sa mga oras na nagkakasama pa kayo. Ngunit dahil nalayo kayo sa isa't isa, naglaho sila sa iyong paningin ngunit alam mong andiyan lang sila -- tulad ng tubig na nagiging water vapor na hindi mo nakikita. At kung may mag-aayos ng isang reunion, bigla mo silang makakasama muli. Tulad ng mga ulap na nag-iipon ng water vapor na nagiging ulan na mabilising bubuhos.

Naisip ko lang na nag-a-apply rin sa mga kaibigan mo ang law of conservation of mass and energy...nung elementary ako, mga taga-CSPB ang mga kaibigan ko -- na naging mga taga-Notre -- na naging mga taga-Ateneo/Matanglawin -- na naging mga taga-Globe naman ngayon. Kahit nagbabago-bago ang mga nakakasama mo, mananatili silang andiyan sa tabi mo. naks! ang labo ko talaga. hahaha

Maligayang pasko!

No comments: