balikbayan baks

February 5, 2006

bring home the bacon

oo, noong una, binibiro ko sina rod at miko na inagawan nila kami ng slot sa SWEEP. pero grabe. may bacon nga talaga silang iuuwi! hehehe nagtext kasi ako sa kanila nung nakita ko na papunta na silang SM para mag-setup (nag-hihintay ng taxi sa gate 2.5). sabi ko goodluck, and bring home the bacon. ayun. meron nga! hahaha sabi nga nila kung hindi sila manalo, bibili talaga sila ng bacon. hahaha

ok rin pagpunta ko dun sa SWEEP kasi nakita ko si Aristeo (grade school barkada) and Jason (ka-notre at kasama ko sa mapua dati). Pareho silang andun dahil may booths ang kanilang kompanya (Smart 3G booth for Aristeo, and Meridian booth for Jason). Ayos, galing nila. ECE pareho, tapos si Aris, UST, si Jason, Mapua. Wala pa silang license pareho, pero pasok agad. Si Aris daw dun nag-OJT kaya madali lang nakapasok. sabi nga niya, idaan ko na lang sa kanya yung resume para diretso na sa boss niya. nagtanong ako kung paano interview sa smart, sabi niya, technical talaga. syempre may pael na tanong: "strict sa english?" HAHAHA sabi niya hindi, pati boss niya hindi sila iniingles, ang mahalaga daw kasi may alam ka. hehehe shet, kailangang i-review ang telecoms at lahat ng "claimed" skills ko sa resume. hehehe yung mahal ko nga, nung ininterview siya, kinakamusta yung SPSS skills niya. hehehe oh well. Ayun, si Jason naman sa meridian. yun yung wireless broadband provider ng PLDT. umupo kami to "participate" in the PalaECEpan. daming tanong na hindi namin nasagot. hahaha hindi pa raw siya nagboboard at sa april siya kukuha, at hindi pa siya nagrereview. hehehe sabi ko nga "o, ituloy natin yung deal natin dati!". Kasi nung "orsem" namin sa Mapua dati, kami magkatabi. tapos may deal kami na first siya tapos ako naman yung second sa board exam. hahaha sana nga. Tapos yung awarding na rin sa wakas ng Sweep. sobrang nagtatalon kaming lahat nung nanalo sina Rod,Ella at Cath. at itong si Rod, tinaas pa ang trophy sa ulo nung tinanggap niya. hahaha Tapos yung second place, di ko matandaan. hehehe kasi nagwala ulit kaming lahat nung sina Jami at Miko yung nanalo! Grabe, parang ako yung nanalo ng 300,000! hahaha after nun, ininterview pa sina cath at jami, parang mga celebrities! Tapos si Jason at Aristeo, kinamayan ako para magpaalam at i-congratulate AKO. hahaha parang ako talaga yung nanalo!? mando, sayang, naSWEEP sana ng ateneo yung SWEEP. hehehe :P

1 comment:

miko said...

sweep nga sana kung nandun team nyo ni mando :D