balikbayan baks

February 4, 2006

overnight sa F306

kanina nanood kami ni Jumie Anne doodledoo ng PROOF. Bumili ako ng ticket, bumili ng popcorn, bumili ng drinks, at pagkaupo sa sinehan, tinanong ko siya: "Sino starring?" hahaha nanood ng pelikula, walang kamuwang-muwang kung tungkol saan ang nasabing pelikula. hehehe tapos umuwi na kami pagkatapos (*Sniff*Sniff*) tapos kumain ako sa McDo. ayun, may shooting ng commercial ng mcdo. di ko nakilala yung commercial model. habang kumakain, napadaan ang isang taga-matanglawin dati na barkada ni Jumie Anne doodledoo noong hayskul at ngayon ay kaklase ng bespren ni Jumie Anne doodledoo. medyo mahaba siyang magkwento kaya medyo na-delay ang aking pagbalik sa F306. Ayun, kanina nga, hindi gumagana ang hinayupak na pen. bakit? tanga ako eh. napagbaligtad ko yung polarity ng sensor kaya walang ma-sense. hehehe nagkaroon rin ng dalawang "business meeting" with sir tris. hehehe ewan ko, sana nga hindi na lang matapos sa "business meeting" yung "business meeting". at nagulat ako na dumaan si chi sa faura. hehehe hindi ko siya nakausap dahil busy si sir tris sa kanyang pagsasalaysay ng buhay napocor noong 1970s. hehehe. book launch ng heights kanina, at syempre, kinabahan na ko sa book launch ng mata/rubdob next week. wala ako dun dahil may previous appointment ako, pero syempre, hahabol. sana talaga, maging maayos ang event. kaya iniimbitahan ko kayo na pumunta sa:

*RUBDOB 2006 / Book Launch (30th Anniv Special Issue)
February 10, 2006
Faura AVR
4:30PM - onwards

*magdala ng inyong love poems, love songs, love subjects/objects, etc. hehehe imbento

at sana, maging maayos ang checkup bukas kay dra. tomacruz

No comments: