balikbayan baks

May 10, 2004

COMELEC

Palpak ang COMELEC. Ngayon lang siguro yung halalan (na nasaksihan ko) kung saan maraming tao ang hindi nakaboto dahil sa hindi nila nakita ang kanilang mga pangalan sa listahan. Para saan nga ba ang validation kung yung mga navalidate pa mismo ang nawala sa listahan habang ang mga lumang botante, andun pa rin, kahit patay na ang iba. Lantaran rin ang abutan ng pera, gift checks, pagkain,atbp. Ang malala pa rito, sinasabi pa ng COMELEC na matagumpay ang halalan. Ito namang media natin,naglalabas ng mga unofficial tally eh unofficial naman. Para saan pa ang mga numero na iyon kung hindi rin naman iyon ang magiging batayan kung sino ang mananalo at matatalo.