balikbayan baks

May 11, 2004

May pasok na naman

Eto na naman tayo. Papasok uli sa mga klaseng gustong tulugan. Hindi nakaboto ang ate ko dahil on-call siya sa Accenture. Baka nga talo na ang aking binoto. Pagsulat ko pa lang sa balota ko,tanggap ko ng talo si Roco. Sa katunayan,sa mga quick count,siya ang nangunguna sa huli. Naisip ko talaga na dapat walang mga nilalabas na survey sapagkat naiimpluwensyahan ang rasyonalidad ng mga mamboboto.